JOEY DE LEON'S SON JAKO TAKES A SWIPE AT TAPE'S STATEMENT ABOUT TVJ, EB DABARKADS EXIT

Pinuna ng anak ni Joey de Leon na si Jako de Leon ang inilabas na pahayag ng mga bagong tagapamuno ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc., producer ng Eat Bulaga!.

Kahapon, June 1, 2023, isang araw matapos tumiwalag nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey—o mas kilala bilang TVJ—sa longest-running noontime show sa bansa, naglabas ng kanilang pahayag ang TAPE Inc.

Nakapirma sa naturang statement sina Romeo "Jon" Jalosjos Jr., TAPE president/CEO, at Dapitan City Mayor Seth Frederick, TAPE director for finance.

Read: TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure

Bahagi ng pahayag ng mga ehekutibo ng TAPE: "Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan niyo ang mas masaya, mas nakakaaliw, at HIGIT PA SA ISANG LIBO'T ISANG TUWA na Eat Bulaga."

Mababasa rin ditong halaw sa sikat na theme song ng Eat Bulaga! ang bandang dulong bahagi ng kanilang pahayag.

"Patuloy ang Dabarkads na magliligkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG PILIPINAS."

Sa theme song ng Eat Bulaga!, ang panimula na nito may ilang taon na ang nakataraan: "Mula Batanes hanggang Jolo, saan ka man ay halina kayo, isang libo’t isang tuwa, buong bansa, Eat Bulaga!"

Marahil, hindi updated ang mga Jalosjos sa theme song ng noontime show na pinamamahalaan nila dahil ang ginamit nilang linya ay ginamit noon pang dekada ’90.

Ito ay ang "Mula Aparri hanggang Jolo, saan ka man ay halina kayo, isang libo’t isang tuwa, buong bansa, Eat Bulaga!"

Kung titingnan sa mapa ng Pilipinas, ang Batanes ang pinakadulong isla sa Hilagang bahagi ng bansa, at ang Jolo naman ay ang pinakadulo naman sa Timog.

Tila ikinairita ni Jako na hindi nila alam ang lyrics ng theme song ng Eat Bulaga!.

Sabi niya sa Twitter, kalakip ang pahayag nila: "Batanes bro, wtf. [man facepalming emoji] Mula Batanes. At least get it right."

Dagdag pa ni Jako, kailangang ipaalam sa publiko ang "hilarity, unoriginality and downright audacity" ng mga taong ito.

Aniya, "Exhibit XYZ: just wanted to point out the hilarity, unoriginality and downright audacity of these guys."

Pinuna rin ni Jako ang dulo ng pahayag dahil tila hindi kawalan ang mga co-host, production team, at sales team na kasabay na umalis ng TVJ. 

Nakalagay kasi sa statement, "Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo."

Aniya, "The added line of who it depends on also is hilarious since the ENTIRE production, staff and hosts down to sales left completely and resigned. So di rin sila kawalan? The outcry of the public, ex hosts, fans and viewers, are all on social media. Hindi rin sila kawalan?"

Samantala, sa comments section ay may nagsabi kay Jako na ang original na lyrics talaga ay "Aparri hanggang Jolo."

Ayon dito, "Original lyrics ng Eat Bulaga song was "Mula Aparri hangang Jolo"

Tugon niya rito, kung talagang bahagi sila ng palabas at may pakialam dito, sana man lang daw alam nilang nabago na ito.

Aniya, "Not so breaking news: Hasnt been for a very very LONG time. Anyone who is supposedly is "part" and "cares" about the show should know that."

Bahagi rin ng kanilang pahayag, "We want to assure the public and the supporters of the show through its segments that we are committed to provide quality entertainment.

"It is unfortunate, but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino."

PHOTO: bullet888

Na pinuna naman ng isang netizen. Sabi niya, "Duty? We have a duty to every Filipino? It is all about selling, making money! Dont delude yourselves! [laughing emojis]"

Tinawag naman ito ni Jako na "delusional."

Saad niya, "Delusional. That’s the term I was looking for. Thank you"

Kahapon din, sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Tito ang mga huling kaganapan kung bakit humantong sila sa tuluyan nang pagkalas sa kanilang relasyon sa TAPE.

Read: Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."

Inihayag din niyang sumama ang lahat ng mga co-hosts at production team sa kanilang ginawang pagtalikod sa kumpanya.

Read: (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE

Sinabi rin ni Tito na hindi pa "done deal" ang kanilang paglipat sa TV5. Marami pa raw silang pinag-uusapan tungkol sa susunod nilang hakbang matapos silang magpaalam sa kumpanya ng mga Jalosjos.

Read: Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table

Binigyang linaw rin niya ang tungkol sa trademark na Eat Bulaga!, kung sino ba talaga ang totoong nagmamay-ari nito.

Read: Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark

2023-06-02T08:08:39Z dg43tfdfdgfd