LIAN PAZ' DAUGHTERS WITH PAOLO CONTIS WANT THEIR SURNAME CHANGED

Proud na proud ang dating EB Babes dancer na si Lian Paz sa academic achievements ng dalawa niyang anak na sina Xonia, 13, at Xalene, 12.

Sina Xonia at Xalene ay mga anak ni Lian sa estranged husband niyang si Paolo Contis.

Read: Get to know Lian Paz's daughters Xalene and Xonia Contis

Sa Instagram nitong Miyerkules, May 31, 2023, masaya at proud na ibinahagi ni Lian ang nakuhang award ng kanyang panganay na si Xonia, 13, sa Recognition Day sa eskuwelahang pinapasukan nito sa Cebu. Grade 7 na si Xonia.

Kalakip ng kanyang post ang litrato nila kasama ang kanyang partner na si John Cabahug, na siya ring tumatayong ama ng kanyang mga anak.

Mababasa sa caption ni Lian (published as is), "Congratulations Our Dear Ate Xonia!!! My Nia2x! You ended your first year in highschool as Top 1 in your class and overall Top achiever in your Grade level!

"You have always been consistent being excellent in school, I am amazed with your perseverance and I am grateful to God for that gift to you.

"Continue to honor the lord in everything! I am proud of you xonia! always have!!!

"Haaay grabe shy siya sobra, it was 2 years since the pandemic na walang face to face receiving awards kaya ayun, sobrang kabado siya umakyat ng stage.. hehehe :)"

Noong May 26, 2023, nagtapos naman sa elementarya ang kanyang pangalawang anak na si Xalene. Pareho sila ng eskuwelahan ng kapatid na si Xonia.

Ayon sa dating EB Babes member at Kapuso star, sadyang masipag at matalino si Xalene.

Noon pa man ay parati na itong nag-uuwi ng medalya dahil sa matataas na gradong nakukuha nito.

Mensahe ni Lian sa anak, "Yiyin, Thank you for always doing your best in school! I am proud of your achievement, always have!

"You have been consistent and graduating with high honors is really something.

"Congratulations!!! Always remember to honor the lord in everything that you do! Takecare of the wisdom the lord gave you!

"Mama is always here for you in everything. You know that.. Be grateful always. ILY Always!"

Pinasalamatan din ni Lian si John Cabahug sa patuloy nitong suporta at pagmamahal sa kanilang mga anak.

Aniya, "Thank you daddy John Cabahug for the love and support for the girls.

"I am always thankful. I appreciate everything mahal! Congrats may bago mag high school na tayo na naman."

Bukod kina Xonia at Xalene ay may dalawa pang anak sina Lian at John—sina Nina at Lexy.

Si Nina ay anak ni Lian kay John. Si Lexy naman ay anak ni John sa dati niyang partner.

Read: Lian Paz, John Cabahug hold Barbie party for daughter Nina

NETIZENS REACT

Sa comments section ng post ni Lian ay bumuhos ang congratulatory messages para kina Xonia at Xalene, pati na rin sa kanya bilang ina ng dalawang dalagita.

Ngunit may isang netizen ang nakapansin sa dinadalang apelyido nina Xonia at Xalene.

Base sa school certificates na ibinahagi ni Lian ay apelyidong "Contis" pa rin ang nakalagay sa pangalan ng dalawa niyang anak.

PHOTO: Lian Paz Instagram

PHOTO: Lian Paz Instagram

Komento ng netizen, "Bitbit pa apelyido wala naman ambag ahahaha anyway congrats.. you have long way to go.. Aim high!"

Sumagot dito si Lian.

Sabi niya, "Asking na nga po ang mga bata to have it changed! [sad face emoji]."

PHOTO: Screegrab @Lian Paz Instagram

LIAN AND PAOLO's ANNULMENT CASE

Halos apat na taon lamang ang itinagal ng pagsasama nina Lian at Paolo bilang mag-asawa.

Ikinasal sila sa Isabela noong July 20, 2009.

Hindi nagtagal, nagkalamat ang kanilang relasyon na humantong sa pagpa-file ng annulment.

Read: Lian Paz confirms separation from husband Paolo Contis; says it was Paolo who decided that they separate

Si Paolo ang naunang nag-file noong 2012, ngunit na-deny raw ito ng korte pagkatapos ng dalawang taon.

Hanggang noong 2019, si Lian na ang nag-file ng panibagong annulment case.

Read: Lian Paz, desididong asikasuhin ang annulment case nila ni Paolo Contis

Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lian noong June 3, 2022, ay inamin nitong gustung-gusto na niyang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Sabi niya, "Noong nag-file kasi ako, nag-pandemic. Naabutan ng pandemic.

"Naipit, walang galawan ang court. So freeze din ang annulment.

"Ngayon, so far, bilang nag-normalize na kahit papaano, umuusad naman siya. Pero kailangan din ng cooperation niya."

Dito rin inamin ni Lian ang kawalan ng suportang pinansiyal ni Paolo sa kanilang dalawang anak na sina Xonia at Xalene.

"I was really open naman before na wala talaga siyang support sa mga bata," sabi niya.

Read: Lian Paz details Paolo Contis's lack of financial support; gives update about annulment case

NO RELATIONSHIP WITH DAUGHTERS WITH LIAN

Sa kanyang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda noong January 27, 2023,  inamin ni Paolo na wala siyang relasyon o ugnayan sa mga anak niya kay Lian.

"The last time I saw my... Xonia and Xalene, mga seven, six or seven years ago when we went to Cebu. And then, naputol na naman," sabi ng aktor.

Inamin  din ni Paolo na labis niyang kinatatakutan na kamuhian siya ng kanyang mga anak.

Naiiyak niyang pahayag: "Sobra. Yung sa dalawa ko [Xonia at Xalene], gusto kong bumawi...

"Yung sa dalawa, yun, medyo malalim-lalim na yung pagkukulang ko so hindi ko sila masisisi.

"And I would like to take this opportunity to tell Lian and John, thank you for doing a great job sa mga bata.

"Dun, suwerte ako kasi mabait yung John, e..."

Dagdag pa niya tungkol sa kanyang mga anak kay Lian: "Kung pag-uusapan yung love, sobrang love ko sila.

"Pero you know, ako, feeling ko, reality lang. Hindi naman na sa akin lumaki, especially si Xonia at Xalene, di ba?

"So, yung para ma-hate nila ako, yun ang pinaka-fear ko.

"Hindi ko kailangan... to be honest, nasa stage ako na maging magkaibigan tayo eventually.

"Okay na yun, civil lang. Huwag lang galit.

"Hindi ko kailangan na mahalin nila ako kasi hindi ko yun masisisi.

"Hopefully, it will come. Maybe, I have no idea, pero that’s my biggest fear… is for them to actually hate me."

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

MENDING FENCES WITH HIS EXES

Sa latest interview naman ni Paolo sa Updated With Nelson Canlas podcast nitong Martes, May 30, 2023, sinabi nitong nais niyang itama at ayusin ang kanyang mga nagawang pagkakamali bago siya muling magpakasal.

Ang aktres na si Yen Santos ang kasalukuyang kasintahan ni Paolo.

Pagtatapat pa ng aktor, nasa plano pa rin niya ang pagpapakasal sa kabila ng mga kabiguan sa nagdaan niyang karelasyon.

Read: The celebrities Paolo Contis fell in love with

Ngunit bago raw ito mangyari ay may mga bagay muna siyang kailangang unahin at ayusin.

Kabilang na rito ang pakikipag-ayos sa kanyang mga nakaaway at ayusin ang relasyon sa kanyang mga anak.

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

Bukod kina Xonia at Xalene, may anak din si Paolo kay LJ Reyes, si Summer.

Read: LJ Reyes now engaged to non-showbiz boyfriend Philip Evangelista

Saad ni Paolo, "Ako, of course I do. I want that day to come.

"But before that happens, I want to fix everything—in all aspect of my life.

"Sa mga nakaaway ko, sa mga anak ko.

"Kapag lahat yon hindi maayos, tingin ko never akong magiging buo... enough para maging maayos na asawa."

Dagdag pa rito, nais din daw ni Paolo makipagkaibigan sa kanyang mga naging kasintahan, partikular na sa ina ng kanyang mga anak.

"Hindi ito mga ex na wala lang.

"Yung mga taong may kinalaman sa akin, feeling ko kailangang maayos before I actually move forward, sa totoo lang, sa edad ko.

"Hindi na yon puwedeng pabayaan at this time regardless kung anong mangyari, it has to be fixed for me to become a whole person.

"Feeling ko, only that time ako magiging fully ready [na magpakasal]."

Read: Paolo Contis on why he fell in love with Yen Santos: "She had every opportunity to leave but she stayed."

2023-06-02T16:09:10Z dg43tfdfdgfd