LIAN PAZ, JOHN CABAHUG PROUD OF DAUGHTERS' NEW ACADEMIC MILESTONES

Proud parents ang former EB Babes member and actress na si Lian Paz at ang kanyang partner na si John Cabahug dahil sa mga karangalang natanggap ng kanilang mga anak na sina Xonia at Xalene.

Read: Former EB Babe Lian Paz details love story with Cebuano partner, how he accepted her kids

Nagtapos ng elementarya si Xalene noong May 26, 202. Naganap naman ang Recognition Day ni Xonia noong May 31, 2023.

Si Xalene, 12 years old, ay Grade 6, at si Xonia, 13, ay Grade 7.

Read: Lian Paz's daughter Xonia Contis graduates from grade school with honors

Maligayang-maligaya sina Lian at John dahil parehong pinarangalan sina Xonia at Xalene bilang mga nangungunang estudyante sa kanilang klase at sa pangkalahatang baitang ng paaralang pinapasukan nila sa Cebu, ang  Colegio De La Immaculada Concepcion School.

"I am very happy and proud of them," pahayag ni Lian nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.p) ngayong Biyernes, June 2.

Ano ang mga ambisyon ng kanyang mga anak?

Ayon kay Lian, "As of now, since they are still young, wala pa silang permanent na naiisip to be when they grow up.

"Ang sa akin lang po, makapagtapos sila ng pag-aaral at makuha nila ang anumang gusto nila for their profession, maging happy sila at guided ng ating Panginoong Diyos sa lahat ng aspeto para hindi sila maligaw ng landas."

Matagal nang naninirahan sa Cebu si Lian at ang kanyang mga anak mula nang magsama sila ni John, at nang piliin niya ang simple at tahimik na pamumuhay na ibang-iba sa nakasanayan niyang mundo ng showbiz.

May gantimpalang ibinigay sina Lian at John kina Xonia at Xalene, pero mga simpleng bagay lamang dahil hindi raw nila pinalalaking maluluho ang kanilang mga anak.

Lahad niya, "Xonia is not the type na may ilalambing. And she’s really a very simple person. She loves books at chocolates lang, haping-happy na siya.

"Si Xalene naman, she loves pets and since graduation niya, John surprised her with a new puppy, yung kanyang gusto na nakikita niya kapag pumupunta kami sa mall.

"They are good girls and smart kids,sweet din talaga.

"Si Xalene ang mas kalaro ni Niña, pero frenemy minsan dahil pareho pa silang makukulit."

Si Niña, 7, ang bunso at biological daughter nina Lian at John.

Tulad ng kanyang mga kapatid, honor student si Niña at pararangalan ito sa Recognition Day ng paaralang pinapasukan niya sa June 8.

2023-06-02T12:08:44Z dg43tfdfdgfd