SETH FEDELIN, NAKAPAGPUNDAR NG FARM PARA SA KANYANG PAPA

- Ipinasilip ni Seth Fedelin ang napundar niyang kalahating ektaryang lupa na plano nilang palaguin bilang isang farm

- Aniya, noon pa man ay ito ang gusto ng kanyang ama kaya masaya siyang natupad niya ang pangarap ng kanyang papa

- Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naibahagi ni Seth na palagi siyang naroroon kapag wala siyang trabaho dahil mas gusto daw niyang mamalagi sa farm

- Pinakita niya rin kay Karen ang mga alaga nilang manok, bibe, pabo, baboy at kambing

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapagpundar na si Seth Fedelin ng kalahating ektaryang lupa para sa pangarap na farm ng kanyang ama.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naibahagi ni Seth na palagi siyang naroroon kapag wala siyang trabaho dahil mas gusto daw niyang mamalagi sa farm.

Ani Seth, masaya siya na nabibigay niya sa kanyang pamilya ang mga bagay na dati ay pangarap lamang niya. Gusto niyang mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid at pangarap niya din daw na makapagpatayo ng sarili niyang bahay.

Gayunpaman, aniya ay hindi pa siya handa na bumukod ng bahay sa kanyang pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Seth Yancy Fronda Fedelin ay isang Pinoy actor at performer. Una siyang nakilala sa showbiz nang maging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Otso. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng ilang mga teleserye kagaya ng Kadenang Ginto at Huwag Kang Mangamba.

Kamakailan ay binahagi ni Francine Diaz ang isang vlog kung saan kasama niya ang on-screen partner niyang si Seth. Aniya, ito ay para sa kanilang FranSeth fans na sumuporta sa kanila simula pa noong 2019. Kinakiligan ang dalawa lalo na ang pagiging gentleman ni Seth kay Francine. Marami sa FranSeth fans ang natuwa na makita ang dalawa na kahit aminadong magkaibigan ay nakakakilig pa rin lalo na para sa kanilang mga tagahanga.

Ayon kay Seth, isa sa nagustuhan niya kay Francine Diaz ay ang pagiging marespeto nito sa kanyang mga magulang. Sa panayam sa kanya ni Karen Davila ay nabanggit niya na hindi pa niya priority sa ngayon ang kanyang lovelife. Gayunpaman, aniya strict kasi ang mama ni Francine at hindi pa pwedeng mag-boyfriend si Francine. Isa umano sa maituturing niyang pinakamalapit niyang kaibigan sa showbiz ay si Francine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

2023-06-02T12:01:10Z dg43tfdfdgfd