TITO SOTTO CLAIMS TVJ OWNS EAT BULAGA! TRADEMARK

Sino ang totoong nagmamay-ari ng pangalang Eat Bulaga!?

Ito ang malaking katanungan ng sambayanan ngayong tinapos na nina Tito SottoVic Sotto, at Joey de Leon—kilala rin sa tawag na TVJ—ang kanilang ugnayan sa TAPE Inc. 

Ang TAPE Inc. ang siyang producer ng longest-running noontime show na Eat Bulaga!  Co-owned ang TAPE ni Romy Jalosjos, na may 75 percent share, at ni Tony Tuviera, na may 25 percent share.

Read: Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."

Nanindigan si Tito Sotto na ang TVJ ang "inventor" ng Eat Bulaga! name at program, at siyang "rightful owner" ng Eat Bulaga! trademark. 

Sinabi ito ng dating senador sa exclusive interview ni Jo-Ann Maglipon, editor-in-chief ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Huwebes ng tanghali, June 1, 2023.

Pahayag ni Tito: "I'm sure. I'm very confident. So, sinasabi ng mga lawyers namin, they’re very confident na we will get it. Kami nag-imbento, e. Look at the [trademark] law. Look at the laws, the Supreme Court jurisprudence on these kind of issues. It's always, the inventor is the owner—unless you give it up."

Kumpiyansang sabi pa ni Tito: "Kaya nga may mga Supreme Court jurisprudence yan, e. Kaya nga ang ending niyan, kami rin ang Eat Bulaga!, hindi TAPE."

Tanong ni Jo-Ann: "Totoo bang nag-apply ng [trademark] para sa logo at pangalan ng Eat Bulaga! si Joey noong last March at si Mr. T last February? Ano ang nangyari?"

Sagot ni Tito, "Ganito yun. Nag-apply kami ng Section 41 ng IPO. Ano ang Section 41? Entertainment Services.

"Wala ang TAPE nun. Meron ang TAPE, merchandising, goods. Yan ang mayroon sila na ipinayl nila.

"The truth is they filed for ownership of the logo of Eat Bulaga! for goods.

"They filed—pero in bad faith. Bakit? E, kami nag-umpisa ng Eat Bulaga!, 1979!

"Wala naman sila, e. Paano naging sila owner? Di ba? Ang tingin siyempre ngayon, ang tingin legally, ang tingin diyan—they registered in bad faith.

"Dapat sinama nila kami. O, kaya kami, nag-file kami ngayon ng separate namin.

"Yan ang background nun."

WHAT PEP KNOWS ABOUT THE EAT BULAGA! TRADEMARK

Teknikal ang isyu ng trademark ng Eat Bulaga!

Sa pagsisiyasat ng PEP.ph, makikita sa website ng World Intellectual Property Organization (WIPO) ang detalye ng trademark na Eat Bulaga!. Ito ay nakarehistro sa Intellectual Property Office of The Philippines (IPO).

Sa records ng WIPO, ang Eat Bulaga! trademark— na nakapaloob sa "Trademark Class 16, 18, 21, 25" — ay nakarehistrong pagmamay-ari ng Television and Production Exponents Incorporated o TAPE.

Ito naman ay nakatakdang mag-expire, ayon pa rin sa WIPO records, sa "June 14, 2023."

Makikita rin sa WIPO records na nag-apply si Antonio Tuviera for ownership ng Eat Bulaga! trademark— sa "Trademark Class 16, 18, 21, 25, 41" — noong "February 27, 2023."

Pending ang status ng application.

Si Antonio, aka Tony o Mr. T, ang dating president at CEO ng TAPE, na sinasabing sapilitang pinagretiro ng pamilya Jalosjos. Minority stockholder pa rin siya sa TAPE.

Base pa rin sa WIPO website, hiwalay na nag-apply si Jose Ma. de Leon for ownership ng Eat Bulaga! trademark— sa "Trademark Class 41"— noon namang "March 22, 2023."

Pending ang status ng application.

Si Jose, aka Joey, ay parte ng original Eat Bulaga! hosts na TVJ, o Tito, Vic and Joey.

Kumonsulta ang PEP.ph kay Atty. Anthony Peralta, isang eksperto sa Intellectual Property Rights at senior partner sa Calleja Law, para ipaliwanag ang isyu ng Eat Bulaga! trademark.

Kinumpirma ni Atty. Peralta ang nakalap ng PEP.ph na datos tungkol sa applications at registration—dalawang magkaibang bagay—ng trademark class ng tatlong entities: ang TAPE Inc., Antonio Tuviera, at Jose Ma. de Leon.

"It is good that you point out the dates of application and registration of the Eat Bulaga! marks," komento ng abogado sa PEP.ph. 

"The date of filing is very important under the 'first to file' system because it serves to determine, in case of a dispute with another applicant for the same or similar mark, who has the prior right and, therefore, entitled to the registration of a mark."

ATTY. ANThony PERALTA explains eat bulaga! TRADEMARK classes

Ipinaliwanag ni Atty. Peralta na "trademark" ang tawag sa mga "nakikita mo sa daan na logo, brand, signs."

Pagpapaliwanag nito, "A mark is defined as 'any visible sign capable of distinguishing the goods (trademark) or services (service mark) of an enterprise.'" 

Ang trademark ay "indispensable instrument" para maipaalam sa publiko ang "origin of goods or services." 

Dagdag ng abogado, "The rights to a mark are acquired through registration with the Bureau of Trademarks of the IPO."

May iba-iba raw "class" o classification ng trademark, alinsunod sa tinatawag na "Nice Classification" ng WIPO. 

May 45 classifications for trademark — 34 for goods at 11 for services. 

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Atty. Peralta ang trademark class kung saan ipinarehistro ng TAPE ang pangalang Eat Bulaga! kumpara sa trademark class ng hiwalay na applications nina Toni at Joey. 

Sabi ni Atty. Peralta, na professor din sa College of Law ng De La Salle University: "So, sa ilalim ng Class 41, ang mga serbisyong ino-offer na puwede mo gawan ng trademark ay education, providing of training, entertainment, sporting, and cultural activities."

Sa kaso ni Joey, ang "Class 41" application nito ay may kinalaman sa trademark para sa "entertainment services." 

Sa kaso ni Tony, ang application nito ay para rin sa "Class 41."

Ngunit kay Tony, idinagdag nito ang "Class 16, 18, 21, 25," na may kinalaman naman sa "paper, leather, household utensils, at clothing/footwear/headgear" respectively. 

Ibig sabihin, ayon kay Atty. Peralta, kasama sa application ni Tony ang trademark para sa "goods" at "souvenir items" na merchandise ng Eat Bulaga!.

Sa kaso ng TAPE Inc., ang "Class 16, 18, 21, 25"— na kasalukuyang nakarehistro sa pangalan nito—ay may kinalaman din sa "paper, leather, household utensils, at clothing/footwear/headger" respectively. 

Ibig sabihin, goods o merchandise items ang tanging nakarehistro sa TAPE, at nakatakda na itong mag-expire sa June 14, 2023. 

STATUS OF THE APPLICATIONS OF tony tuviera & joey de leon

Base sa impormasyong nakalap ng PEP.ph, hindi pa naaaprubahan ng Intellectual Property Office of The Philippines (IPO) ang applications nina Tony at Joey. 

Malinaw ding ang Trademark Class 41 na may kinalaman sa entertainment services ay wala pang nagmamay-ari sa kasalukuyan. 

Pero kumpiyansa si Tito na makukuha ng TVJ ang trademark na Eat Bulaga! dahil daw ang TVJ at Dabarkads ang nagpo-provide ng "entertainment services" ng 44-year-old noontime show. 

Ang huling komento ni Atty. Peralta sa PEP.ph: "One of the grounds for refusal of an application for registration is—if the mark is identical with or nearly resembles a prior registered mark or a mark with an earlier filing date (with respect to the same or closely related goods or services), as to likely deceive or confuse the consumers regarding the source of the origin of the goods or services."

TITO SOTTO: "KAMI NAG-IMBENTO NG TITLE"

Sa naunang exclusive interview ng PEP kay Tito, noong April 26, sinabi na rin ni Tito na ang TVJ ang "rightful owner" ng Eat Bulaga!

Ito ay dahil si Joey ang nakaisip ng pangalang Eat Bulaga! noong 1979. Si Vic naman ang nag-compose ng theme song ng programa na ginamit mula noon hanggang sa kasalukuyan. 

Kuwento ni Tito, "Eto na lang, common sense, 1979 namin itinayo yun [Eat Bulaga!], kami nag-imbento ng title.

"Papano [nangyari na] nung 1981 ikaw may-ari? July 7, 1981, nag-register sa SEC [Securities and Exchange Commission] ang TAPE.

"Producer ang TAPE ng Eat Bulaga!, pero hindi ikaw ang Eat Bulaga!."

May debate pa rin dito. 

Ayon kay Tito, tingin ng TAPE ay ito ang may karapatan sa trademark na Eat Bulaga! dahil ito ang prodyuser ng programa.

"They’re claiming, they’re claiming. Anyway, according to the law experts on [trademark], it doesn’t matter who has the [trademark], pero they don’t. It doesn’t matter."

Diin pa rin ni Tito sa panayam ng PEP.ph noong April 26, may stake raw ang TVJ bilang creators ng noontime show simula't sapul. 

Aniya, "The important thing, in court, is who invented it. Ganun, e, kaya walang kaproble-problema ang [trademark]…"

Sa paliwanag ni Tito ng salitang "invented," ang pakahulugan nito ay kung sino ang lumikha at nakaisip ng pangalan. Kaya sila nina Vic at Joey raw iyon.

Kaya raw posibleng dalhin ng TVJ ang trademark na Eat Bulaga! sakaling magdesisyon ang TVJ na kumalas sa TAPE at bumuo ng show sa ibang istasyon. 

Sabi ni Tito, base pa rin sa April 26 interview ng PEP: "That’s possible. That’s possible.

"As a matter of fact, I am not… Well, how do I say it? I have no problem saying that we’re getting offers from two other stations."

Kumonsulta na raw ang TVJ sa law firm na DivinaLaw para sa usapin ng trademark.

"Kasi, it’s not for us, ha, it’s not because of us, it’s because of the small people in the production, yung mga maliliit ang suweldo."

Read: FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'

BACKSTORY

Halos apat na buwan na ang mainit na hidwaan sa pagitan ng Dabarkads at TAPE Inc.

Gawa ito ng major overhaul na gustong ipatupad ng TAPE Inc. — mula sa salary scale ng mga host at employee hanggang sa reinvention ng segments at change of hosts.

February 28, 2023 nang mag-General Assembly ang lahat ng hosts at production staff ng Eat Bulaga! kunsaan inanunsiyo ni Romy ang tungkol dito.

Naisapubliko ang isyu noong March 1, nang maglabas ng blind item ang PEP.ph at iba pang reports na may kinalaman sa isyung rebranding ng Eat Bulaga!.

Lumabas din ito sa iba-ibang media outfits.

Noong April 19, lumabas si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos sa isang TV interview kunsaan pinabulaanan nitong may problema sa pera ang TAPE Inc. Siniguro rin noon ni Bullet na mananatili ang TVJ at ibang Dabarkads sa Eat Bulaga!.

Sa TV interview ring iyon sinabi ni Bullet na boluntaryong nagretiro si Tony Tuviera bilang president at CEO ng TAPE Inc., at ang bagong management na aktibo sa daily operations ay pangungunahan na ni Bullet at ng mga kapatid niyang sina Jon-Jon at Soraya.

Ang tatlong nabanggit na mga anak ni Romy ay bahagi ng Board ng TAPE Inc. Si Bullet ang chief finance officer, habang si Jon-jon ang president.

READ: TAPE's Mayor Bullet Jalosjos assures public Tito, Vic & Joey will not leave 'Eat Bulaga!'

READ: Mayor Bullet Jalosjos, tinawag na "fake news" ang mga ulat tungkol sa rebranding ng Eat Bulaga!

April 26 naman nang humarap si Tito sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kunsaan inalmahan niya ang aniya'y mga kasinungalingang ipinakalat ni Bullet sa TV interview nito.

Ibinulgar din noon ni Tito ang mga problemang kinahaharap ng Dabarkads gawa ng sinasabi ng management na pagkalugi ng show, hindi pagbayad sa talent fee nina Vic Sotto at Joey de Leon, at ang pag-force retire ng management kay Tony Tuviera.

READ: FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'

READ: EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'

READ: EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"

2023-06-02T04:08:53Z dg43tfdfdgfd